-- Advertisements --
Patay ang alkalde ng Marilao, Bulacan matapos ang naganap na aksidente sa Clark Freeport Zone.
Kasamang nasawi ni Mayor Ricky Silvestre ang driver nito sa nasabing akidente.
Ang 65-anyos na alkalde ay nasa pangalawang termino na nito.
Base sa isinagawang imbestigasyon, sumalpok ang sasakyan nito sa isang poste ng kuryente sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue sa loob ng freeport nitong hapon ng Linggo.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.