CENTRAL MINDANAO- Nagpabakuna na kontra Coronavirus Disease (Covid-19) si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr.
Maagang pumila si Mayor Guzman Jr sa Kabacan Rural Health Unit upang makapagpabakuna.
Ayon kay Municipal Health Office (MHO-Kabacan) Dr. Sofronio T. Edu, Jr. makokonsidirang nasa comorbidity ang alkalde batay sa kanyang health condition at napagkalooban na rin ito ng ‘go-signal’ ng kanyang doktor upang makapagbakuna.
Ito ang unang dose ng AstraZeneca sa alkalde.
Aniya, naniniwala itong mas mapataas ang vaccination rate sa bayan lalo pa’t mismong siya na ang nagpaturok.
Nagpasalamat rin si Mayor Guzman sa bumubuo ng RHU at mga HRH na panay ang trabaho upang makamit ang mataas na rate ng bakuna sa bayan.
Hinimok din nito ang publiko na huwag dapat matakot sa bakuna ang sino man lalo’t may malaki itong maitutulong upang malabanan ang mga komplikasyong dulot ng covid-19.