Alice Dixson
-- Advertisements --

Ibinahagi ng beteranang actress na si Alice Dixson sa unang pagkakataon ang larawan ng kaniyang partner.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang nakakandong sa isang lalaki.

Tinakpan ng bahagya ang mukha ng lalaki habang sila ay nasa beach.

Noon pa man ay sinabi ng actress na mayroon na itong kinakasama subalit naging pribado ito at hindi niya pinapakilala ito sa publiko.

Nauna ng ipinakilala ng 52-anyos na actress na ito ay nanganak sa pamamagitan ng surrogacy.

-- Advertisement --

Itinuturing niya na ang pagsilang ng anak na si Aura bilang milagro dahil 10 taon niya itong naiplano.

Mula pa noong 2019 ay nagplano na ang dalawa na magkaanak sa pamamagitan ng surrogacy.