Tuluyan nang nagbitiw si Algerian President Abdelaziz Boutflika, 82, makalipas ang 20 taon na panunungkulan sa puwesto.

Kasunod ito ng ilang linggong panawagan na nagdulot ng malawakang protesta ng kaniyang mga kababayan.

Maging ang militar ay nanawagan din ng pagbaba sa puwesto sa kanilang Pangulo dahil sa hindi na nito nagagawa ang trabaho mula nang ma-stroke.

Nauna rito inihayag ng Algerian president na ito ay bababa sa puwesto hanggang katapusan ng buwang ito.