Alex Gonzaga
Alex Gonzaga/ IG post

Labis ang pasalamat ni Alex Gonzaga matapos na hindi nagtagumpay ang hackers ng kaniyang Instagram at Youtube channel.

Ayon sa actress, nalaman na lamang nito ang insidente ng may nagtimbre na kaniyang followers matapos mapansin ang pagbabago ng kaniyang IG account.

Mabilis naman na napigilan ng kampo nito ang nasabing hackers.

Napag-alaman din nito na taga U.S. ang hackers base na rin sa mga eksperto na kaniyang mga nakausap.

Mayroong mahigit 7.4 million na followers si Alex sa kaniyang Instagram at 4.55 million subscribers ito sa kaniyang Youtube channel.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nahack din ang IG account ng actress na si Kris Bernal.