Sumirit paitaas sa ikaapat na puwesto sa buong mundo ang Pinay tennis player na si Alex Eala na kagagaling lamang sa matagumpay na kampanya sa 2020 Australian Open juniors doubles tournament.

Limang puwesto ang tinalunan ng teen sensation upang lumapag sa No. 4 spot na may kabuuang 1718.75 points.

Nakamit ni Eala ang achievement isang buwan makaraang pumasok ito sa top 10 ng world juniors circuit makaraang kumapit sa world No. 9 ranking.

Bumandera sa kanyang impresibong performance ang una nitong Grand Slam title sa juniors doubles tournament kung saan nagtambal sila ng Indonesian na si Priska Nugroho sa kanilang unang Australian Open juniors campaign.

“Well I really don’t know what to expect going into a tournament in that high level – everyone being of course very experienced and everyone being good – we just do whatever and be prepared,” wika ni Eala.

-- Advertisement --