-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng 2026 Wimbledon si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Renata Zarazua ng Mexico sa score na 6-1, 6-2.
Mula sa simula ng laro ay dominado ng Pinay tennis star ang nasabing laban.
Ang panalo ay siyang unang main draw win ni Eala sa Wimbledon.
Ito rin ang kaniyang ikalawang main draw na panalo sa Grand Slam matapos ang unang panalo niya sa first round ng US Open noong nakaraang taon.
Ang number 29 na Pinay tennis star ay maaring makaharap niya si dating world number 1 at 23 Grand Slam winner na si Serena Williams sa susunod na round.
















