Hindi pa rin makapaniwala ang 17-anyos na si Alex Eala matapos magkampeon sa US Open juniors.
Tinalo kasi nito s iFrench Open girls champion Lucie Havlickova ng Czech Republic sa score na 6-2 at 6-4.
Dahil dito ay naging siya ang unang Grand Slam junior champion ng Pilipinas.
Itinuturing niyang inspirasyon sa laro ay si Spanish tennis star Rafael Nadal.
Unang naglaro ng kaniyang junior tournamen sa Orange Bowl sa Florida noong Disyembre.
Mula noon ay naging unang Filipina na sumali at nanalo sa WTA main draw match ng talunin si Paula Ormaechea at si Cluj-Napoca noong Agosto.
Siya rin ang may pinakamataas na ranked player sa WTA na nasa 297 sa buong mundo.
Habang ang kuya nito na 20-anyos na si Michael ay naglalaro na sa college tennis sa US at kasalukuyang nangungunang lalaki sa ATP na mayroong rank na 1,506.