Handa na muling harapin ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang world No. 3 na si Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open, halos 18 buwan matapos ang kanilang unang paghaharap sa Miami Open.
Ayon kay Eala, malaki na ang ipinagbago ng kaniyang laro kumpara noong una silang nagharap ni Pegula.
Mula sa pagiging world No. 140, umakyat na siya sa world No. 28 matapos mapabuti ang kaniyang physical condition, forehand, serve, at iba pang aspeto ng kaniyang laro.
Mas mahusay na rin daw siyang manlalaro ngayon, ngunit kinikilala rin niya ang husay ni Pegula.
Patunay ng kaniyang pag-angat ang sunod-sunod na panalo sa torneo, kabilang ang pagkapanalo ni Alex laban sa Olympic champion na si Zheng Qinwen, defending champion na si Leylah Fernandez, world No. 10 Elina Svitolina, at dating world No. 1 Naomi Osaka.
Ngayon, target ni Eala na makabawi sa kaniyang naunang pagkatalo kay Pegula at masungkit ang pinakamalaking titulo sa kaniyang karera sa kanilang paghaharap sa DC Open Finals sa Linggo, o hatinggabi sa Lunes.
















