pnp chief oscar albayalde hearing

Inaasahan umanong tatapusin ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang kanyang tour of duty hanggang magretiro sa Nobyembre 8 ngayong taon.

Sa kabila ito nang pagkakadawit ni Gen. Albayalde sa umano’y “ninja cops” sa Pampanga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa “body language” at pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang indikasyong sisibakin nito si Albayalde.

Ayon kay Sec. Panelo, bilang abogado, nais ni Pangulong Duterte ng malinaw na ebidensya na nagdidiin kay Albayalde sa “ninja cops” issue.

Hihintayin rin daw ni Pangulong Duterte ang internal investigation ng DILG Secretary kaugnay sa mga “ninja cops” bago gumawa ng aksyon.