-- Advertisements --

Humihingi ng “patience at stamina” si Albay 2nd district Representative Joey Salceda mula sa ibat ibang government agencies na tumutugon sa pre-disaster relief at evacuation efforts sa Albay bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Salceda posibleng abutin ng buwan ang paghihintay sa aktwal na pagputok ng bulkan.

Aniya batay sa kanilang naging karanasan ang senaryo ng pagputok ng bulkang Mayon ay nasa 45, 90, o 110 days na waiting game kaya kailangan talaga ng pasensiya at stamina.

Binigyang diin ni Salceda na bukoe sa ipamamahaging relief goods para mga pamilyang inilikas, mahalaga na paghandaan ang tugon sa epekto nito sa ekonomiya.

Halimbawa nito ang cash for work program at iba pang economic displacement support mula Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa mambabatas nasa 5,000 magsasaka na ang apektado ng paglilikas.

Maaari pa rin madagdagan ang bilang ng mga evacuees.

Sa kasalukuyan naea 9,829 pamilya o katumbas ng 37,100 na indibidwal ang isinailalim sa force evacuation.

Dagdag pa ni Salceda na nangangailangan sila ng pangmatagalang suportang medikal, hygiene, malinis na tubig at presensiya ng mga pulis para mapanatili ang peace and order.

Una ng tiniyak ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na lahat ng resources ng gobyerno ay gumagalawa para tugunan ang pangangailangan ng mga nailikas na residente.

Sinabi ni Salceda na malugod nilang tinatanggap si Pang. Ferdinand Marcos sa Albay na nakatakdang bumiyahe patungong Bicol.