LEGAZPI CITY – Aminado ang Albay Provincial Health Office na matagal na sanang kontrolado ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan bago pa man ang pagbubukas ng Balik-Probinsiya Program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHO head Dr. Antonio Ludovice, karamihan sa mga nagpopositibong bagong kaso ay mga Locally Stranded Individuals (LSI) na kakarating pa lamang sa lalawigan.

Subalit nagpapasalamat naman ang opisyal na matagal ng naglatag ng protocol na kailangan ng pito hanggang 14 na araw na quarantine.

Hindi naman aniya maaaring tanggihan ang mga dumarating dahil tanging ang Bicol Inter-Agency Task Force ang may kakayanan sa naturang usapin.

Naniniwala naman si Ludovice na noong Abril hanggang Hunyo ay nakaabot na sa “peak” ang sitwasyon ng health crisis sa Albay kaya paisa-isa na lamang ang nagpopositibo.

Kasabay nito an patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng mga health authorities.