-- Advertisements --
Ginulat ng Alas Pilipinas ang Egypt sa kanilang paghaharap sa FIVB Men’s World Championship.
Itinuturing na isang makasaysayan ang panalo ng Alas Pilipinas dahil ito ang kauna-unahang panalo sa nasabing torneo.
Nadomina ng Alas Pilipinas ang laro at naitala ang score na 29-27, 23-25, 25-21, 25-21 na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Bumida sa panalo si Bryan Bagunas na nagtala ng 25 points habang mayroong 21 points si Leo Ordiales at 13 points naman ang naitala ni Marck Espejo.
Dahil dito ay pasok na sa Round of 16 ang Pilipinas na magsisimula sa araw ng Huwebes, Setyembre 18.