Nagpasya ang concert organzier ni Alanis Morissette sa Manila na gawing dalawang gabi na lamang.

Kasunod ito ng pagkaubos o naging ‘sold out’ ang nasabing concert na gaganapin sa buwan ng Abril.

Ayon sa Ovation Production, mula ng ianunsiyo nila na mabibili na ang ticket noong Pebrero 5 ay mabilis na agad itong naubos.

Bagamat wala pang detalye sa ikalawang gabi ng concert ay gaganapin ito sa Abril 6 sa Mall of Asia Arena.

Unang nag-concert ang seven-time Grammy awardee 20 taon na ang nakakalipas.

-- Advertisement --