Inanunsiyo ng singer na si Alanis Morissette ang bagong petsa ng kanilang concert sa bansa.
Sa kaniyang social media, nagpost ito ng mga bagong petsa para sa naantalang concert.
Iniurong na lamang ang nasabing petsa sa Disyembre 7 at 8, 2021.
Magugunitang itinakda sanan noong Abril 6 at 7 ang concert nito sa bansa subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito natuloy.
Nanawagan naman ang concert organizer na puwedeng gamitin ng mga nakabili ng tickets ngayon taon para sa bagong petsa.
Habang ang mga nagnanais ng refund ay puwede itong gawin hanggang Setyembre 30, 2020.
Taong 1996 ng unang nag-concert si Morissette sa bansa at huling naglabas ito ng album noong Hulyo 31 na pinamagatang “Such Pretty Forks in the Road”.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Hand in my Pocket”, “Ironic” at maraming iba pa.