-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Bilang nalalapit na paggunita ng World Environment Health Day sa darating na Setyembre 26, ibinahagi ng City Environment Natural Resources ng Alaminos City ang mga nakalatag nilang programa para sa okasyon.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dr. Chester Casil ng naturang tanggapan na ang naturang pagdiriwang ngayong taon ay may temang Global Environment Public Health Standing Up to Protect Everyone’s Health Each and Every Day, kung saan ay binibigyang-diin ang layunin ng population level, ecological diversity, availability of drinking water, sanitation condition, at agricultural output na nagtatakda sa kalagayan ng kalikasan sa isang lugar.

Kasabay nito ay nilalayon ng kanilang tanggapan na itampok ang kanilang 120-Second Land Management Bureau Founding Anniversary kung saan ay ilalahad at ipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga at pagpapalakas sa likas na yaman ng bansa para sa kapakinabangan ng bawat isa.

Kaya mahalaga aniya ang patuloy na pakikilahok ng mamamayan sa iba’t ibang mga aktibidad na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan gaya na lamang ng tree-planting activity, coastal clean-up drive, coastal river clean-up, pagsunod sa tama at maayos na ecological solid waste management, at iba pa.

Ang World Environment Health Day ay itinatag ng International Federation of Environment Health noong 2011 na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at upang mamulat ang mamamayan sa relasyon ng environment health sa kalusugan ng publiko.