-- Advertisements --

Kasabay nang pagsisimula ng expanded COVID-19 testing ngayong araw, ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang guidelines sa pagpapatupad nitong malawakang testing sa publiko.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire nakasaad sa inilabas nilang Department Memorandum No. 2020-0151 at Circular No. 2020-0179 na tanging mga lisensyadong medical professionals lang mula sa mga accredited at certified testing facilities ang maaaring magsagawa ng test.

Pinaka-prayoridad daw sa testing yung mga pasyente at healthcare workers na may severe symptoms o kritikal na ang lagay na may travel history at exposure; sumunod naman yung grupo ng mga may mild symptoms, may edad 60-year old pataas, may pre-existing conditions, at mga high risk ang pagbubuntis.

Ang sumunod naman sa priority ng testing ay yung mga healthworkers na may mild symptoms kahit hindi sila kasali sa vulnerable group, samantalang huli yung ibang frontliners na kahit walang sintomas ay na-expose sa confirmed o positive patient.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi ibig sabihin na pasok ang isang tao sa nabanggit na mga kwalipikasyon ay dapat na itong sumugod sa testing centers.

“We want to avoid people crowding and lining up in our testing centers to demand for tests even if they do not experience any symptom.”

Paliwanag ni Usec. Vergeire, kailangan pa rin munang kumonsulta sa licensed medical professional sa pamamagitan ng kanilang 24/7 telemedicine hotline na 02-8424-1724 o di kaya’y 02-7798-8000 para sa NCR.

“Those who think they are infected will still need to be assessed by a health professional. They can do this in the comforts of your home through Telemedicine cosultations.”

Sa labas naman ng NCR ang telemed hotline ay 1555 at 894-COVID (26873).