-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY-Bumuo na ng tracker team ang mga pulis upang siyang mamahala sa paghahanap sa suspek na responsable sa panghoholdap sa Aqua store sa Gaerlan St., Divisoria nitong lungsod.
Sinabi ni Police Lt. Jose Bongkawil, deputy commander ng Divisoria Police Station, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mabawi ang ‘golden arowana’ na isda.
Hindi kinuha ng mga suspek ang kita ng tindahan bagkos pinuntirya ang mamahaling isda.
Aniya, nagkakahalaga ang nasabing isda ng P80,000.