-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Panibagong pitong mga COVID-19 patients ang nasawi sa Soccsksargen region.

Ito ang pinakahuling tala ng Department of Health (DOH-12).

Ang mga nasawing pasyente ay kinabibilangan ng apat na taga General Santos City, dalawa rin ang namatay sa South Cotabato at isa sa Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay pumalo na sa 338 ang total death cases sa rehiyon.

Umakyat naman sa 10,630 ang total coronavirus infections matapos makapagtala ang DOH-12 ng karagdagang 200 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ay mula sa General Santos City na umabot sa 83, sinundan ng South Cotabato na may 61 new cases, North Cotabato na may 40 covid infections habang ang Sultan Kudarat ay may 16 na bagong kaso.

Nasa ligtas ng kalagayan at nakauwi na rin sa kanilang mga tahanan ang 127 pang mga pasyente kung kayat umakyat pa sa 8,295 ang total recoveries.

Umaabot 46 sa mga gumaling ay mula sa South Cotabato, 45 naman sa Gen. Santos City, may 35 gumaling sa North Cotabato habang may isa sa Sultan Kudarat.

Nasa 1,995 naman ang aktibong kaso o mga pasyenteng nagpapagaling pa.