CAUAYAN CITY- Isang kasapi ng New Peoples Army o NPA ang nagbalik loob sa pamahalaan sa kagustuhang magbagong buhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt. Benjie Maribbay ng 86th Infantry Battalion Philippine Army kanyang inihayag na ang sumukong NPA ay kabilang sa Agta Community at naging kasapi ng Kilusang larangan guerilla Quirino Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Sgt Maribbay na isa lamang ito sa mahaba pang listahan ng militar sa mga natatanggap nilang surrender filler mula tanggapan ng 5th Infantry Divison Philippine army bunsod ng matagumpay na pagsusulong nila ng End Local Communist Armed Conflict o ELCAC na nagbunga ng sunod sunod na pagsuko ng mga kasapi ng New People’s Army at mga militia ng bayan.
Ayon sa rebel returnee, nahikayat siyang sumapi sa NPA dahil ipinangako sa kanya ng kilusan na mabibigyan siya ng maayos na trabaho at makakapag-aral subalit naisip niyang isa lamang itong panlilinlang nga mga rebelde kaya naisipan nitong sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.