Itinuturing ng Securities and Exchange Commission (SEC) na blessing in disguise para sa kanilang imbestigasyon ang agresibong media hyping ng KAPA para sa mga iligal na aktibidad.
Ayon kay SEC Chairman Emilio Benito Aquino sa panayam ng Bombo Radyo, kulang sila ng tao sa ground ngayong may COVID pandemic, pero dahil sa madalas na pag-update ng mga kasabwat ng KAPA founder na si Joel Apolinario, nalalaman pa rin nila ang aktibidad ng grupo.
Ang naturang mga social media post aniya ay magagamit na ebidensya laban mismo kay Apolinario at iba pang opisyal ng KAPA na sangkot sa investment scam.
Gayunman, kaakibat umano ng ganitong gawain ng KAPA, may mga naloloko pa rin ang grupo para mag-invest, kahit mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing scam ang sistema ng KAPA.