-- Advertisements --

Emosyonal ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa pagtungo ng anak nilang si Atasha sa United Kingdom.

Isa na kasing sophomore students ang anak ng dalawa sa university sa Nottingham.

Noong first year college kasi ay online pa ginagawa ang klase dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong Enero pa sana ito nagtungo sa UK kasabay ng kakambal nito na si Andres na nagtungo sa Spain para mag-aral.

Nagbago ang plano dahil sa pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

-- Advertisement --

Sa kani-kanilang social media ay nagpost ang mag-asawa ng mga larawan at video ng anak bago ito umalis.