-- Advertisements --
image 395

Umaabot na sa 651 ang kabuuang bilang ng aftershocks mula sa 6.0 magnitude na main quake noong Pebrero 16, 2023 sa lalawigan ng Masbate.
Ayon kay Dr. Paul Alanis, senior science research specialist ng Philippine Institute of Volcanology and seismology (Phivolcs), sa panayam ng Bombo Radyo, 118 sa mga pagyanig ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad.
Nasa 37 naman ang naramdaman ng mga residente sa Masbate at mga karatig na lugar.
Naitala naman ang lakas ng mga ito sa pagitan ng 1.3 – 4.6 magnitude.
Sinabi pa ni Dr. Alanis na pababa na ang bilang ng pagyanig, ngunit maaari pa rin itong tumagal.