-- Advertisements --

Umaabot na sa 3,759 ang bilang ng aftershocks na naitala sa lalawigan ng Abra at mga karatig na lugar, mula nang maranasan ang 7.0 magnitude na lindol noong nakalipas na Hulyo.

Ayon sa Phivolcs, 1,060 sa mga ito ang plotted o natukoy ng mga pasilidad ng kanilang ahensya.

Habang 65 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente sa lugar.

Ang lakas kasi ng mga aftershock na ito ay mula sa 1.4 hanggang 5.1 magnitude.

Hindi naman inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na makaapekto pa rin ang ganitong tremors, lalo’t marajming pundasyon ng mga bahay ang nakitaan na ng pinsala noong main quake.