-- Advertisements --
image 41

Umakyat na sa 70 ang bilang ng mga aftershocks na naitatala sa Cagayan Valley, mula sa 5.5 magnitude na lindol kaninang umaga.

Matatandaang unang inanunsyo na 5.8 magnitude ang pagyanig ngunit binago ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology patungo sa 5.5 magnitude na lamang, alinsunod sa mga nakalap nilang data.

Ang epicenter ng lindol ay nai-record sa Maconacon, Isabela, ngunit ang malakas na intensity ay naranasan sa Tuguegarao at iba pang bahagi ng Cagayan.

Mula sa 70 aftershocks, nasa 12 sa mga ito ang plotted o nairehistro gamit ang tatlo o higit pang pasilidad ng mga eksperto.

Habang tatlo naman ang naramdaman ng mga residente sa lugar, na may lakas na 2.3 hanggang 4.2 magnitude sa mga nakalipas na oras.