DAVAO CITY – Labis ang pasasalamat ng mga kamag-anak ng isang lalaki na buhay pa itong nakalabas matapos ma-trap sa gumuhong tunnel sa Barangay Mainit Nabunturan, Davao de Oro.
Emosyonal ang pamilya ni alyas Alvin, 28-anyos, dahil dininig ng Panginoon ang kanilang dasal.
Nabatid na umabot ng halos 16 na oras bago nailabas sa gumuhong tunnel si alyas Alvin.
Nanguna sa isinagawang rescue operation ang mga personahe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Davao De Oro Special Rescue Unit, Provincial Engineer’s Office, Nabunturan Police Station, BFP-Nabunturan, Philippine Red Cross-Davao De Oro Chapter, Municipal Engineer’s Office, Municiapl Disaster Risk Reduction and Management Office-Nabunturan, Nabunturan Emergency Response Team, Municipal Health Office at marami pa.
Nabatid na hindi lamang ito ang insidente na may pagguho ng tunnel sa Davao de Oro lalo na at pagmimina ang ikinabubuhay ng mga residente sa lalawigan.