Nakatakdang sumailalim sa retraining and refurbishing ang Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9) matapos ang 10 taong deployment sa Mindanao na nagsimula noong 2010.
Layon nito ay para lalo pang ma-upgrade ang kanilang kakayahan at maging epektibo ang mga ito sa pag-perform sa kanilang mission-essential task.
Ngayong nakabalik na ang MBLT-9, isinailalim na sa non-operational status ni Philippine Marine Commandant M/Gen. Nathaniel Casem ang nasabing unit.
Sinabi ni Casem, mahalagang isailalim sa retraining ang mga sundalo sa MBLT-9 na pinamumunuan ni Lt.Col. Mark Anthony Arabe.
Bukod sa retraining, panahon na rin para i-refurbish ang lahat ng mga kagamitan ng MBLT-9.
Kabilang sa mga major accomplishments ng batalyon ay ang pag-neutralizd sa mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf, paghuli sa mga smuggled lumbers, illegal drugs, human trafficking victims, illegal immigrants, at pag-rescue sa daan-daang pasahero ng lumubog na barko sa Tawi-Tawi.
Una rito, ginawaran ng arrival ceremony ng pamunuan ng Philippine Navy ang MBLT-9 na dumating nuong July 2,2020 sa Capt Salvo Pier, Sangley Point,Cavite sakay sa BRP Bacolod City (LS550).
Mismong si Philippine Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo ang nanguna sa arrival ceremony na naaayon sa “new normal” scheme na sumusunod sa health and biosafety protocols.
Kinilala ni Bacordo ang matagumpay na deployment ng MBLT-9 patunay dito ang “capability and competence” ng mga sundalong Marines na rumesponde sa mga security challenges.
“In order to sustain these accomplishments, it needs to level up to continue to be a proficient Marine Operating Force, every Marine Battalion’s job is about to get harder to the rapidly changing, complez, simultaneous and overlapping security challenges,” pahayag ni Bacordo.