-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga akusasyon ng korapsyon laban sa kaniya.

Giit ng Pangulo walang katotohanan ang naratibong ipinapakita na siya ang may kagagawan at nasa likod ng mga anomalya.

Sabi ng Pangulo,” Pero kung ako ang nasa likod niyan, bakit ko sisirain ang sarili kong ‘racket’? Wala itong lohika.”

Tinawag naman ni Pangulong Marcos na isang “deep-seated system of corruption” ang umano’y maanomalyang flood control projects na una niyang isinawalat sa kaniyang SONA nuong 2025.

Iginiit din ng Pangulo na kung siya ay tatanunging ngayon kung nahiya ba sila? sagot ng Presidente yung iba hindi.

Tugon din ni Marcos sa panawagang pagpapatalsik sa kanya, iginiit niyang siya pa ang naglantad at nagpasimula ng mga imbestigasyon sa mga katiwalian, at kung hindi niya ito ginawa ay hindi rin ito mabubuksan ngayon.

Iginiit ni Pangulong Marcos na hindi pa tapos ang laban ng kanyang administrasyon kontra korapsyon, matapos siyang tanungin kung sapat na ang mga hakbang ng pamahalaan mula noong sinabi niya sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address na mahiya naman kayo.

Aniya, habang mas lumalalim ang imbestigasyon, mas marami pang iregularidad ang natutuklasan, kabilang ang mga isyu sa flood control projects na umabot pa umano sa mga nakaraang administrasyon.

Binanggit din niya na matagal nang may ulat ng malawakang katiwalian sa mga proyekto, ngunit walang nananagot noon kaya’t ipinagpapatuloy ng kanyang

Giit niya, walang nakaraang administrasyon ang gumawa ng kaparehong hakbang niya gaya ng pag-iimbestiga, pag-freeze ng mga account, o pagpapakulong kaugnay ng mga naturang alegasyon.