-- Advertisements --

Sineseryoso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng natatanggap nilang ulat tungkol sa banta sa seguridad, partikular kung may kinalaman sa terorismo.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala kasunod ng pagpapalabas ng Japan ng babala sa kanilang mga mamayan na nasa anim na bansa sa timog silangang asya, kabilang ang Pilipinas na mag-ingat sa posibleng terrorist threat.

Sa abiso ng Japanese Foreign Ministry, pinayuhan ang kanilang mga mamayan na nasa naturang mga bansa na umiwas sa mga matataong lugar dahil sa panganib mula sa suicide bombing.

Pero ayon kay Zagala, wala silang natatanggap na ulat tungkol sa nasabing banta.

” We take seriously all received reports that pertains to security matters, especially on terrorism. As of now, we have not received any report. We constantly validate all reports on security matters and it is a continuous process. As per last review our threat level is moderate,” mensahe ni Col Zagala.

Ang lahat aniya ng mga ulat na may kinalaman sa seguridad ay bina-validate ng militar at sa kasalukuyan ay nasa “moderate” lang ang threat Level sa bansa.

Gayunpaman tiniyak ni Zagala na ang lahat ng mga nasa teritoryo ng Pilipinas, maging Pilipino man o dayuhan, ay pinapangalagaan ng militar laban sa banta ng terorismo.

Dagdag pa ni Zagala, ipagpapatuloy ng AFP ang kanilang pakikipaglaban sa terorismo sa pamamagitan ng intensified internal security operations.

“We ensure that all citizens, Filipinos or not, as long as they are within our territory, are protected and kept safe from terrorists’ threats. This is also to underscore the importance of the active participation of the populace in defeating terrorism since security is, after all, everyone’s concern,” pagbibigay-diin ni Zagala.