Pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang coordination and collaboration para tugunan ang banta sa seguridad laban sa mga Local terrorists at Communist terrorists group na patuloy na naghahasik ng karahasan.
Pinangunahan nina AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana at PNP Chief Police General Debold Sinas ang National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) meeting na ginanap sa Kampo Aguinaldo.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang pinalakas na joint operations ng AFP at PNP ay nagbunga ng maraming magandang resulta patunay dito ang bilang ng mga nasawing kalaban sa operasyon, at ang pagbabalik-loob sa gobyerno ng mga dating miyembo ng NPA, Communist Terrorists Groups.
Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, na malaki ang naitulong ng JPSCC para mapalakas pa ng AFP-PNP ang interoperability para tugunan ang problema sa internal security.
Ayon kay Sinas, sa ngayon mas handa, more equipped at mataas ang kumpiyansa ng mga sundalo at kapulisan para tugunan ang mga kinakaharap na hamon.
Sa nasabing pulong tinalakay ng PNP at AFP ang kanilang mga isinagawang operations, intelligence, legal, trainings and Civil-Military Operations/Police Community Relations.
Pinirmahan naman ni Sobejana at Sinas ang joint resolutions para sa pagpapalakas ng kanillang pwersa para tugunan ang internal peace and security issues.
Kapwa ipinagmalaki nina sa Sobejana at Sinas ang pagbuwag sa dalawang guerrilla fronts ng NPA sa Palawan at Bicol Region.
Ang JPSCC ay binuo para magsilbing hub for coordination and collaborative action sa pagitan ng AFP at PNP na naglalayon para palakasin ang military and police cooperation para epektibong tugunan ang problema sa insurgency.