Aminado si Philippine Army Commanding General Lt Gen. Romeo Brawner na may natutunan sila sa nangyayaring tensiyon ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sinabi ni Brawner hindi lang basta naka-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sitwasyon kundi closely watching aniya sila.
Aniya may mga plano at contingencies din hinahanda ang militar sakaling magkaroon ng worst case scenario.
Dagdag pa ni Brawner may epekto sa bansa ang nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine partikular ang pagtaas ng presyo ng krudo at petrolyo.
Inihayag din ni Brawner na isa sa kanilang natututunan ay dapat palakasin na ng Pilipinas ang reserve force nito.
Bilang paghahanda sa kinakaharap na posibleng mangyaring pananakop.
Aniya, dapat hubugin na ang mga kabataan na ipaglaban ang ating bayan laban sa mga mananakop.
Hindi na idinitalye ni Gen. Brawner kung ano ang kanilang napag-usapan sa ginanap na command conference na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte.