Pinuri ni AFP chief of staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana ang pamunuan ng Western Command sa kanilang epektibong internal and external defense campaign lalo na pagbibigay seguridad sa teritoryo ng bansa na nagawang protektahan ang siyam na isla sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea sa kabila iba`t iba ng hamon na kinakaharap ng militar sa Western Command.
Bukod sa pandemic, malaking hamon sa militar ang presensiya ng mga barko ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo o disputed islands.
Ayon kay Sobejana sa kabila ng mga hamon, nabigyan ng sapat na seguridad ang mga strategic resources and facilities ng AFP lalo na sa Pagasa Island.
Giit ni Sobejana, malaki ang papel na ginagampan ng Western Command para maging matagumpay ang kanilang misyon sa nasabing rehiyon.
Una ng ipinag-utos ni AFP Chief na dagdagan ang navy vessels na magpapatrulya sa exclusive economic zone ng Pilipinas, layon din nito na protektahan ang mga Pilipinong mangingisda na binu-bully ng mga Chinese vessels.
Itoy kasunod ng bagong batas ng Chinese Coast Guard na maaaring gamitan ng armas ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo.
Ayon kay Sobejana nakaka-alarma ang nasabing pahayag ng China.
Nais kasi ng heneral na malaya pa rin maka pangisda sa lugar ang ating mga kababayan.
Binisita ni Sobejana ang Western Command nitong Martes, March 16,2021 bilang guest of honor sa ika 45th Founding Anniversary ng command.