Inanunsiyo ng singer na si Adela ang paglabas ng kaniyang bagong album.

Ayon sa British singer lalabas ito sa buwan ng Setyembre.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kasal ng kaibigan nitong author na si Laura Lee Dockrill at dating The Maccabees singer Hugo White.

Mula pa kasi noong 2015 ay hindi pa ito naglabas ng album na ang huli ay ang album na “25”.

Nakilala ang singer sa mga kantang, “Someone Like You”, “When We Were Young” at “Set Fire to the Rain”.

-- Advertisement --