Pumanaw na ang American actress na si Sue Lyon sa edad na 73.

Kinumpirma ito ng kaibigan niyang si Phil Syracopoulos na nalagutan ng hininga ang actress a kaniyang bahay sa Los Angeles.

Hindi naman na nito binanggit ang sanhi ng kamatayan nito.

Sumikat ang actress noong ito ay edad 14 pa lamang.

Gumanap kasi siya sa pagsasapelikula ng nobelang “Lolita” isang dalagita na umibig sa kaniyang guro na edad 53.

Sa kabuuang mahigit 800 na nag-audition sa nasabing pelikula ay nakita ni Director Stanley Kubrick ang kakaibang kagandahan ng actress kaya agad nitong isinabak sa pelikula.

Dahil sa nasabing pagganap ay nakakuha ito ng Golden Globe award bilang most promising female newcomer noong 1963.

Huling pelikulang ginawa nito ay noong 1980 sa horror film na “Alligator” kung saan gumanap ito bilang reporter.

Limang beses itong ikinasal at ang pagpapakasal nito sa convictred murderer Gary “Cotton” Adamson ang tinuturing niyang sumira sa kaniyang career.