Kris Bernal proposal
Kris Bernal proposal/ NicePrintphoto IG image

Inalok na ng kasal ng kaniyang nobyo ang actress na si Kris Bernal.

Isinabay ng non-showbiz boyfriend, chef at businessman na si Perry Choi ang proposal nito sa isang kasiyahan na kanilang dinaluhan sa Quezon City.

-- Advertisement --

Hindi na nagdalawang isip pa ang actress at sumagot na ito ng matamis na “oo” sa kaniyang nobyo.

Tatlong taon ng magkasintahan ang dalawa na unang isinawalat sa publiko ang relasyon noong 2017.