-- Advertisements --

Ipinarating na ng actress na si Kris Bernal sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na mabiktima ng fake booking.

Sinabi ng actress na mayroong 23 na mga food delivery riders ang magkakasunod na dumating sa kaniyang bahay kahit na wala itong inorder ng anumang pagkain.

Isa umanong Jen Jen Manalo ang tumawag o nag-order ng mga pagkain sa mga rider.

Nagtataka lamang ang actress dahil wala itong nakaaway o natatapakang tao at kung bakit siya ang binikitima.

Nanawagan ito sa suspek na makonsensiya sa ginawa niyang pambibiktima.