Reading Time: 1 minute
Ina Feleo
Ina Feleo / IG post

Masayang inanunsiyo ni Ina Feleo ang pagiging engaged na niya sa nobyong si Giacomo Gervasutti.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan nilang dalawa at mensahe sa nobyo.

Mahigit dalawang taon ang relasyon ng dalawa.

Unang nagkakilala ang dalawa ng magbakasyon ang actress sa Italy at doon nakilala ang nobyo.

Nilinaw din nito kung bakit sa gitnang daliri niya nilagay ang engagement ring at hindi sa ring finger.

Sinabi nito na kaya niya doon inilagay ay dahil hindi kumasya ang nasabing singsing.