Kinasuhan ng mga prosecutor sa New Mexico ang actor na si Alec Baldwin.
Ito ay may kaugnayan sa aksidenten pamamaril ng actor sa cinematographer Halyna Hutchins habang ginagawa ang pelikulang “Rust” noong Oktubre 2021.
Ayon kay District Attorney Mary Carmack-Altwies na ang involuntary manslaughter ay isinampa sa acotor ganun din ang kanilang armorer ng pelikula na si istrict Attorney Mary Carmack-Altwies.
Nagpirma naman ng plea agreement ang assistant director na si David Halls para sa kasong negligent ng paggamit ng deadly weapon.
Magugunitang napatay si Hutchins ng tutukan ng baril ng actor sa kasagsagan ng paggawa nila ng pelikula.
Ang kasong involuntary manslaughter ay maikokonsidera na hindi sinasadyang pagpatay na mayroong parusa ng hanggang 18 buwan na pagkakakulong sa New Mexico at multa na $5,000.
Nauna ng itinanggi ng actor ang alegasyon at hindi niya alam umano na mayroong laman na bala ang ginamit na baril sa pelikula.