-- Advertisements --
Patay sa pananambang ang isang abogado sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa impormasyon, inambus ang biktima sa harap ng subdivision sa Eastwood Greenview sa Montalban.
Kinilala ni Rizal police provincial director, Col. Lou Evangelista ang biktima na si Atty. Edilberto Golla Jr.
Ayon kay Evangelista, minamaneho ni Atty. Golla ang kaniyang sasakyang 4X4 nang pagbabarilin ng armadong katao na nakamotor.
Nagtamo ng multiple gunshot wounds ang abogado na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Iniimbestigahan pa ngayon ng Rizal PNP ang motibo sa naturang insidente.