-- Advertisements --

Tahasang kinuwestiyon ni Atty. Mark Tolentino, abogado ng dating mamamahayag na si Jay Sonza, kung bakit itinuring na non-bailable ang kasong unlawful publication at unlawful utterances na kinakaharap ng kanyang kliyente.

Naniniwala si Tolentino na mali ang aplikasyon ng batas sa kaso ni Sonza at iginiit na may karapatan itong makapagpiyansa.

Aniya, ang kasong unlawful publication kaugnay ng cybercrime sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 at Revised Penal Code ay hindi naman sakop ng parusang reclusion perpetua o life imprisonment.

Tiniyak din ng abogado na babantayan nila ang bawat hakbang ng National Bureau of Investigation (NBI) upang masiguro na igagalang ang karapatan ng mamamahayag. (report by Bombo Jai)