-- Advertisements --
Dinoble ngayon ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang kanilang cybersecurity operations ilang araw bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na Hulyo 27.
Sinabi ni PNP-ACG chief PMaj. General Wilson Asueta, na inaasahan nila na maraming mga kakalat online na mga misinformation.
Hindi naman na binanggit nito kung sino ang mga nasa likod ng nasabing pagpapakalat ng negatibong impormasyon.
Paglilinaw nito na ang nasabing operasyon ay para agad na matukoy ang misinformation, coordinated influence operations, phishing attacks at mga online scams.
















