-- Advertisements --
Naniniwala ang abogado ni Hollywood actor Alec Baldwin na walang anumang ginawang pagkakamali ang kaniyang kliyente.
May kaugnayan ito sa naganap na pamamaril sa set ng pelikulang “Rust” na ikinamatay ng cinematographer na si Halyna Hutchins.
Base kasi sa inilabas na imbestigasyon ng Occupational Health and Safety Bureau ng New Mexico na nagkaroon ng pagkukulang sa kaligtasan ng mga ginamit sa pelikula na nagbunsod sa aksidente noong Oktubre 2021.
Dahil na rin aniya sa insidente ay pinagmulta ang kumpanya ng $137,000.
Dagdag pa ng mga abogado nito na limitado lamang sa pag-apruba ng pagbabago ng script ang authority sa production at wala itong alam na may laman pala na tunay na bala ang kaniyang hawak na baril.