Plano ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) na dito sa Pilipinas gawin ang Asia-Ocenia qualifiers para sa 2020 Tokyo Olympics.

Kasunod ito ng pagkansela ang orihinal na petsa nito sa Pebrero 3 sa Wuhan, China dahil sa outbreak ng bagong uri ng corona virus.

Nagpahayag naman ng suporta dito si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa naging pahayag nito ng ABAP.

Sinabi nito na handang magbigay ng tulong ang ABAP sa anumang kakailanganin ng POC.

Magugunitang umabot na sa 17 katao ang nasawi habang mahigit 200 na ang nadapuan ng nasabing virus mula sa China.