Sumabak na rin sa pagbo-boksing ang singer na si Aaron Carter.

Pumirma kasi ito ng kontrata sa Celebrity Boxing promoter na si Damon Feldman.

Plano nitong lumaban sa boxing sa April o Mayo kapag nawala na ang banta ng coronavirus.

Ilan sa mga nais niyang makalaban ay ang sinumang miyembro ng boy-band.

Mayroon ng background si Aaron sa boxing dahil nakaharap na niya ang kapatid na si Nick sa reality show nila noon na “House of Carters”.