-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isa na namang low pressure area (LPA).
Ayon sa weather bureau, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 60 km sa katimugan ng Tayabas, Quezon.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging bagong bagyo.
Kabilang sa inaasahang maaapektuhan ng LPA ang mga sumusunod na lugar: Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.















