-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang pag-pullout sa kanilang mga tauhan na naka-deploy sa danger zone sa paligid ng Taal Volcano.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac binigyan ng 48-hours ang PNP CALABARZON para magsagawa ng final sweep sa mga nasabing lugar at tiyakin na wala ng mga residente ang nananatili sa loob ng permanent danger zone.

Sinabi ni Banac ginawa na ng PNP ang lahat ng paraan para hindi na bumalik muna ang mga residente.

Inihayag ni Banac na ang nasabing kautusan ay bunsod sa inilabas na advisory ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Philippine Institute of Volcanology hinggil sa lumalalang sitwasyon ng Taal Volcano.

Nasa 13,000 policemen ang idineploy ng PNP sa lugar on rotation basis.

Siniguro naman ng PNP na mananatili pa rin ang deployment ng mga pulis sa labas ng danger zone at kanilang babantayan ang lahat ng mga entry at exit points para walang sibilyan makapasok sa permanent danger zone.

Umapela naman ang PNP sa mga residente na makipag cooperate sa mga otoridad at sumunod sa mga babala na ibinibigay ng mga otoridad.