-- Advertisements --
Matagumpay na naisagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill response operation matapos tumagas ang tinatayang 1,500 hanggang 2,000 litro ng mineral oil mula sa underwater submarine cable ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Barangay Tugas, Tabango, Leyte.
Agad na rumesponde ang Coast Guard Station Western Leyte, katuwang ang Coast Guard Sub-Station Ormoc, Coast Guard Sub-Station Villaba, at Maritime Environmental Protection Unit–Eastern Visayas (MEPU-EV).
Gumamit ang PCG ng oil spill containment booms at absorbent materials upang mapigilan ang pagkalat ng tumagas na mineral oil. Matagumpay ding naisagawa ang pagkolekta at pagsasaayos ng mga nakuhang langis.












