-- Advertisements --
Arestado ang isang lalaki matapos masamsam ng mga pulis ang 43 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱5.16 milyon sa Puguis, La Trinidad, Benguet nitong Nobyembre 5, 2026.
Ayon sa La Trinidad Municipal Police Station, namataan ang suspek habang naglilipat ng mga kahon sa pagitan ng dalawang sasakyan, tinangka pa umano nitong tumakas nang mapansin ang mga pulis ngunit agad din itong na naaresto.
Sa isinagawang inspeksyon, narekober ang 42 kilo ng marijuana mula sa unang sasakyan at karagdagang isang kilo mula sa ikalawang sasakyan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.













