-- Advertisements --

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang special permit para sa 20 karagdagang bus na magsisilbing alternatibong transportasyon ng mga pasahero ng LRT-2.

Sa ilalim ng programa, sampung bus ang bibiyahe mula Antipolo City patungong Legarda, Manila, habang sampu naman ang magsisilbi sa rutang Antipolo patungong Cubao, Quezon City.

Kalahati ng mga bus ang ilalaan sa serbisyo mula sa LRT-2 Antipolo Station sa Masinag upang maibsan ang mahabang pila at pagsisikip ng mga pasahero, lalo na tuwing rush hour.

Ayon sa LTFRB, layunin ng programa na mapabilis at mapagaan ang biyahe ng mga commuter, gayundin na mabawasan ang karagdagang gastos sa pamasahe dahil sa mas direktang access sa pangunahing destinasyon.