Pinagbawi ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang brodkaster na si Ramon Tulfo kaugnay ng pahayag nitong palihim umano siyang lumalabas at bumabalik sa New Quezon City Jail.
Nagbabala ang legal team ni Romualdez na magsasampa sila ng kaukulang legal na hakbang laban kay Tulfo kapag hindi nito sinunod ang pormal na kahilingan ng kampo ng dating opisyal.
Sa isang liham na may petsang Nobyembre 4, iginiit ng abogadong si Felix Michael Villa na walang anumang katotohanan ang alegasyong ipinost ni Tulfo sa Facebook noong Nobyembre 3.
Nananatili umanong nakadetine ang dating lehilador at hindi pa kailanman lumalabas ng pasilidad mula nang ipasok doon noong Setyembre 14, 2026.
Dahil dito, hiningi ng kampo ng dating Speaker na burahin o itama ang post, magpalabas ng pampublikong paglilinaw, at tiyaking hindi na uulitin ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Sa isang hiwalay na pahayag, inamin ni Tulfo na gawa-gawa lamang ang ulat mula sa kanyang source at nagkamali siya sa hindi muna pagberipika ng impormasyon bago ito inilathala, bagama’t wala siyang pormal na paghingi ng paumanhin.















